ABS-CBN Live Streaming

Get Microsoft Silverlight

Chat

Isang matinik na spy namin ang nakahuli sa pagighing super-sweet at paghahalikan nina Kris Bernal at Carlo Aquino!

Ayon sa ating very reliable source, magkasamang dumating sina Kris at Carlo sa isang branch ng Starbucks sa Commonwealth, QC bandang 2:00 a.m.. Ang dalawa’y magka-holding hands, magkayakap, at naghahalikan kaya very sure ang ating spy na mayroon ngang relasyon ang dalawa. Habang may nagkokompirmang hindi si Kris ang totoong girlfriend ni Aljur Abrenica kundi si Rich Asunsion, heto’t nabuking nga ng spy ng Hataw ang relasyong Kris at Carlo.

Pero nang umalis na raw sina Kris at Carlo, roon lang naghiwalay ang dalawa dahil magkaiba ng sasakyan ang ginamit nila.

Ano kaya ang gagawin ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films ‘pag nalaman ang balitang pagtutukaan sa publiko nina Kris at Carlo? Nasa kainitan pa naman ng promo ng pelikulang Nandito Ako, May Nagmamahal Sa`Yo na mula sa direksiyon ni Direk Maryo J. delos Reyes at ipalalabas na sa Sept. 30. I’m sure, pati ang GMA-7 ay magagalit at masesermunan nang todo itong si Kris dahil sa ginawa niyang ito.

Well, dapat sigurong mamili itong si Kris kung career o love life ang kanyang priority. Sayang naman kasi ang magandang naitanim na ng tambalan nila ni Aljur.


maricris nicasio/hataw

Comments

0 Response to 'Kris Bernal at Carlo Aquino: Kissing in Public!'

Post a Comment

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines