ABS-CBN Live Streaming

Get Microsoft Silverlight

Chat

Totoo pala ang balitang dumadalaw sa house ni KC Concepcion ang hunk actor na si Piolo Pascual. At very special pa kapag pumupunta si Piolo sa housing galore ni KC dahil sangkaterbang fresh flowers ang dala-dala nito sa dalaga. Lumabas na rin ang katotohanan na si Piolo pala ang tinatawag ng Mega Daughter na “Peter Pan”.

Noong unang kumalat ang balita tungkol sa dalawa, marami ang hindi makapaniwala. Kasi nga, madalas mangyari sa showbiz na kapag may bagong pagsasamahang pelikula o ‘di kaya sa TV, gumagawa sila ng gimik para mapag-usapan. So, ang buong akala nga ng mga tagasubaybay ng dalawa, gimik lang ang mga nababasa nila.

Pero habang lumilipas ang panahon, parang lalong lumalalim ang sinasabing pagkakaintindihan nina Piolo at KC. Hanggang sa humantong na nga sa madalas na raw na pagdalaw ng aktor sa magandang aktres.

Sa totoo lang, maraming tagahanga ang natuwa sa balitang ito, lalo na ‘yung mga supporter ng aktor na matagal nang naghihintay na kung sino na nga ang babaeng espesyal sa puso ng kanilang idolo. At sa bagong balitang ito sa dalawa, nabawasan na ang madalas na iniisip ng marami na baka tumandang binata ang iniidolo nilang si Piolo.

Kasi nga naman, sa kakisigan at kamachuhan ng aktor, walang napapabalitang babaeng sineryoso ni Piolo. ‘Yung pala si KC lang pala ang hinihintay niya.

Comments

0 Response to 'Piolo, dinadalaw sa bahay si KC'

Post a Comment

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines