
Kasama nila ang dalawang anak, sina Joshua at Baby James, pati ang dalawang yaya ng mga anak.
Kasamang umalis ni Kris ang executive assistant niyang si Alvin.
Habang nasa lounge, ka-text ko si Alvin at inusisa ko siya kung ano ang reaksyon ng kanyang ‘madame’ sa balitang pati ang hairstyle ni Noynoy Aquino ay pinuna ni DJ Mo Twister sa Twitter account nito.
After Rufa Mae Quinto, si Noynoy ang bagong ‘favorite’ ni DJ Mo sa Twitter.
Nag-text sa akin si Alvin na may reaksyon na si Kris, kaya kaagad kong tinawagan ang executive assistant ng TV host/actress.
“I care? ‘Yan lang ang reaksyon ni Madame. As if nga naman affected sila sa sabihin ni DJ Mo. Teka! Teka! May reaksyon pa si Madame,” sey ni Alvin, na katabi si Kris at may sinasabi pa ang TV host/actress tungkol kay DJ Mo. “Siguro naman, mas guwapo si Noy sa kanya! ‘Yan ang sey pa ni Madame.”
Idinagdag din ni Alvin na pinasasabi sa akin ni Kris na dapat suportahan ko rin si Noynoy dahil maraming mga taga-showbiz ang nag-pledge na ng support nila sa kanyang kuya.
May ilang artistang binanggit sa akin si Alvin na tutulong sa kampanya ni Noynoy, pero off the record pa muna kung sinu-sino ang mga ‘yon.
-Jun Lalim
Comments
0 Response to 'Noynoy, mas gwapo kay DJ Mo!'
Post a Comment