ABS-CBN Live Streaming

Get Microsoft Silverlight

Chat

Natawa ako sa dialogue ng isang lady executive ng GMA 7 kaugnay sa latest gap sa pagitan nina Rufa Mae Quinto at DJ Mo Twister.
“Pagalitan mo nga ang DJ Mo na ‘yan sa column mo para matuto! Hindi maganda ang ginawa niya kay P-chi, ke lalaki pa naman niyang tao!” sey ng lady executive na kausap ko.
Bakit hindi kaya ang GMA 7 management ang gumawa ng aksyon sa ‘pagkakasala’ ni DJ Mo kay P-chi?
“Nag-apologized na kasi si DJ Mo at on-air pa. Saka mukhang ok na naman si P-chi. Mukhang hindi na siya magre-resign sa Showbiz Central,” dagdag ng lady executive na kausap ko.
Noong Saturday ay kausap ko si P-chi at sobrang depressed siya dahil sa panibagong gusot nila ni DJ Mo.
Pinapunta pa ako ni P-chi sa ‘ancestral house’ nila para maglabas ng sama ng loob sa kanyang Showbiz Central co-host.
“Pero friend, atin lang ito, huwag mo nang isusulat. Kailangan ko lang ng payo mo as a friend,” pakiusap sa akin ni P-chi, kaya wala akong inilabas na kahit na ano tungkol sa sama ng loob niya.
Ang napansin ko kay P-chi, kahit sobrang sama na ng kanyang loob kay DJ Mo ay ni hindi siya nagbitiw ng kahit na anong masamang salita laban dito.
Pigil na pigil pa rin siya. Kahit kami lang ng kanyang lola at mga pinsan ang magkakaharap ay hindi ko siya naringgan na nagmura.
Ang dialogue ni P-chi, ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang lahat ng mga kasalanan sa kanya ni DJ Mo!

Comments

0 Response to 'Rufa Mae, ipinasa-Diyos si DJ Mo!'

Post a Comment

Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines